Ang Pagtatampo ng Anak kong si Ria

Aba, at ang anak ko marunong na magtampo…

Kamakailan lang, inaasar ni Dann si baby. Ayaw kasi kargahin ni Dann si Ria para lang asarin.  Gustong gusto kasi ni baby na magpakarga, malamang bored na naman sa room.  After ilang minutes na umiiyak si baby dahil ayaw kargahin, finally nag-give in na si Dann. Aba, tong si baby, tinapik ung kamay ni Dann at patuloy sa pag-iyak.

Kagabi, late umuwi si Dann. So katabi ko si baby matulog. Kaninang umaga paggising ni Ria, ngiting ngiti sakin at hindi pinapansin si Dann. tsk tsk.

At kanina lang, pilit pinapatulog ni Dann si baby, e ayaw matulog nung isa. Kaya iyak ng iyak. Gumapang papunta sakin at sinabi “mama”.  E di syempre, iniwan ko ang ginagawa ko at pinansin si bulilit. Pero pinapatulog pa rin sya. Iyak ulit sya. Parang nagsusumbong na si baby sakin. Nung finally hindi na sya papatulugin, sabi ko labas na lang kami…aba, ayaw na sumama ng bulilit kay Dann.  Nakakapit sakin.  Tapos sabi ko tayo sya para kunin si baby para matingnan kung sasama. Ayun, e di syempre hindi sumama sa kanya.  Hindi na naman pinansin ang mga kamay na dapat kakarga sa kanya. Tapos nung ako na ung nakatayo, dali daling gumapang papunta sakin at inabot ang kamay para kargahin sya.

Hay..ang anak ko..matampuhin.. 🙂

Leave a comment